My Blog List

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na outdoor activities philippines. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na outdoor activities philippines. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Oktubre 31, 2012

Siksikan sa jeep



Jeep - Tinaguriang pambansang sasakyan at pinakalumang transportasyon na ginagamit sa araw araw na buhay nang karamihang Pilipino kasama na nila sa buhay ang pagsakay o pagmamaneho sa jeep at
Sa jeep maraming mga eksena na nagaganap, masaya,malungkot at kung ano ano pa.  Hindi talaga minsan maiwasan ang siksikan lalo pat minsan nagmamadali tayo.

Kesehodang ano itsura natin basta makasakay tayo agad lalo na kung late na haha!!Gaya ko hindi nagsusuklay :D wala ako paki alam basta makasakay ako sa jeep agad agad.Minsan kahiya lang pag may POGI kang katabi kasi baka sabihin nia na ano ba tong babaeng to di mn lang ng aayos haha!! Who cares? 

One time pauwi na kami May mga na sumakay mukha silang goons pero ng makita ko kung paano sila naupo natawa ako haha!! paano ba naman kasi nag kalungan sila! hahahahha! Grabe talga tawa ko nun pati ng mga kaibigan ko :D
                                                                                                                                                       Minsan naman kakamadali namin ng mga officemate ko naiwan ako ng jeep wahahha.paano ba naman kasi nghabulan kami ng jeep nauna sila pag sakay tapos nung akma na akong sasakay Bigla pa naman pinaandar grrrrrrrrrrrrrrr..Imbis na magalit ako natawa na lang ako haha! Paano ba naman kasi tinawanan lang ako ng mga kasama ko sabay sigaw nila sa driver na

"Manong!! Naiwan yung kasama namin" haha!! kaya ayun huminto yung jeep  bumaba yung mga kaibigan ko kasi di na pala kami kasya kaya siguro pinaandar na nung mama  agad agad,di na niya ako hinintay makasakay kasi puno na lol!Ayun sa ibang jeep na lang kami sumakay na magkakasama..Oh diba in fairness hindi nila ako iniwan hehe. what an experience. Isa ito sa memorable eksena ko sa jeep.
All in all it was a nice travel with a jeep:)
 Hope you enjoy my blog.

                                                                                                                                                                                                   







Miyerkules, Oktubre 17, 2012

Mga Badjao sa jeep



Sa araw araw na aking paglalakbay charrr..haha!!akala mo naman kung makapaglalakay ako WAGAS

Pag pumasok ako sa office jeep lasi sinasakyan ko kasi ayoko mg FX at madali ako mahilo mas gusto ko pa amuyin yung mga usok ng sasakyan kesa mag FX at BUS na Aircon kasi nasusuka po ako.
     
Hindi ako sanay bumyahe na sakay ng FX at bus pero pag wala talaga choice sumasakay ako, I just make it sure na may dala akong plasric kasi baka sumuka ako eh..mabuti ng handa hehe..


On my way home even pag pasok ko sa work lagi ko napapansin na maraming mga batang "BADJAO" ang may dalang sulat gaya nito  pag huminto yung jeep aakyat silaa tapos iaabot nila yan  sa mga pasahero may mga ilan nagbigay kabilang na ako, may iba ring hindi. Minsan kasi pinangra rugby lang nila yung inaabot mo na pera eh kaya yung iba hindi ng bibigay  o di kaya kakanta sila, may dala dala pa silang instrumento di namin maintidihan nga yung lyrics eh..hehe.. 



Nakakalungkot lang  kasi ang babata pa nila ang dapat eh nag aaral sila.
              Sana lang matugunan ang pangngailangan nila di kaya ibalik sila sa lugar kung saan sila dapat.

May mga Matatanda rin na mga BADJAO di naman masyado yung tipong may asawa na namamalimos pa rin..hay naku..nakakalungkot lang tignan...gusto ko tumulong pero an dami nila haha!!


       
      
 Sana lang magkaroon sila ng maayus na pamumuhay..Di bale pag ako yumaman tutulungan ko sila haha!!ASA pa ako. Marami talagang hirap ang buhay sa panahon ngayon. Kaya tuloy yung iba di maiiwasan na kahit may kakayahan naman mg hanap buhay eh namama limos. 









Huwebes, Agosto 16, 2012

Traffic..Traffic...at Traffic pa rin


Sa gitna nang traffic hindi talaga maiiwasan na mainip ka. May mag pagkakataon pa na kung saan nag mamadali ka dun ka pa matrap..hehe..Nung minsan na naipit ako sa traffic kasama ng mga katrabaho ko siguro halos two hours and byahe namin samantalang ang usual lang na oras ng byahe namin eh 15 to 20 mins.haha san ka pa!!.. 

Ang sinakyaan namin na jeep ay patok eh di syempre malaks yung tugtog nun kaya ngsisigawan kami ng kaibigan ko pg nag usap..:) yung isang kaibigan namin dun siya sa dulo naka pwesto kasi nga siksikan kaya napalayo siya sa amin.


 Naisip ko na etext siya kahit isang jeep lang kami..haha adik lang.

Sabi ko sa text musta ka dyan?, sagot niya ok lang. Nag text ulit ako sabi ko nasan ka naba? kami nandito na sa volleygolf ,kahit alam kong andun lang siya hehehe.
.Sagot niya naman Adik ka andito na ako sa japan wahahahaha para lang kami mga timang nun walang magawa eh sa sobrang traffic. Dagadagan pa nang mabahong katabi hahaha...San kapa..ala man lang kasi gwapo dun na nakasabay namin sa jeep..pag ganun sana ok lang basta kasama o katabi mo pogi..:D Joke lang pero totoo..hahaAnyways, tapos na kami magtext ng kaibagan ko nun kasi di nako ngreplyan tinamad na ako eh.

 Eto naman si kuya na kasama namin sa jeep, bale pasahero rin walang kaabog abog na sinabihan si manong driver .. " Manong pwede patayin mo na yung sounds mo?"" Kasi parang sasabog na yung dibdib ko eh!!"..wahahaha...Dinagdagan pa ng maarteng buntis na kinawit si manong driver ng payong sabay sabi na " kasi maingay na nga yung kasama mo ( kundoktor) malakas pa yung tugtog"...!Syempre sino ba naman matutuwa nun diba?? eh di galit na galit si manong driver"Kung ayaw niyo dun kayo sumakay sa taxi pababain ko kayo lahat dito eh..lol na highblood si manong driver.


 Eh pano ba naman kasi pare pareho lang naman kami naiinip na diba..hay naku..Natahimik na lang kami lahat nun kasi baka nga pababain kami hirap pa naman mag abang ng jeep...After almost two hours nakarating din ako ng bahay pagod na gutom pa..hayz...Charge to experience.